Friday, 4 November 2011

Opening an Internet Cafe Business, What should I know before starting one?

Ang Internet Café ay isa sa naging sikat na negosyo para sa mga first-time Pinoy entrepreneurs. Marahil dahil ito ay daw ay madaling i-setup at napapanahong negosyo para sa lahat.

Marami na ang nagbukas ng ganitong negosyo sa buong bansa. Ganun din naman marami na din ang nagsara makalipas lamang ang ilang buwan o taon ng operation nito.

Sa totoo lang, ang I-Café business ay hindi madaling negosyo dahil ang perang puhunan dito ay masmalaki pa kaysa sa pag-franchise ng isang food cart business. Isa pa, ang services na offered sa negosyong ito ay hindi kasama sa daily necessities ng mga Pinoy. Karamihan ng services ay pumapasok sa leisure and entertainment aspects kaya hindi mo aasahan ang high-demand nito kumpara sa ibang negosyo.

Ganun pa man, may mga paraan upang maging mabenta ang isang I-Café sa merkado.

Una, proper location. Ang kita ng isang I-café ay pwedeng mag-depende sa lugar kung saan ito itatayo. Kinakailangang ma-tao ang lugar na paglalagyan nito at malapit sa mga utility lines lalo na sa linya ng telepono at kuryente. Ang schools, malls, transport terminals at markets ang karaniwang pinaglalagyan nito. Ngunit paalala sa mga balak magsimula ng ganitong negosyo, mag-inquire sa munisipyo ng lugar na nais mong pagtayuan ng isang I-café upang malaman ang mga existing ordinances at requirements sa pagbukas nito.

Ikalawa, ang high market demand. Dapat mong pag-aralang mabuti kung ang iyong negosyo ay magiging mabenta sa lugar na napili. Pwedeng ma-tao ang lugar na napili mo pero hindi ganoon kataas ang demand para sa services na bigay nito. Kaya ang karamihan ay naglalagay sa tabi ng existing establishments na katulad nito para lamang makasiguro na sila ay mapupuntahan ng tao. Ganun pa man, hindi ito assurance na ang binuksan mong negosyo ay pupuntahan ng mga tao kung ang existing businesses ay sapat na para sa mga tao. Saturation ang kakalabasan nito.

Ikatlo, management. Dapat mong alagaan ang kabuuan ng iyong I-café business. Lagi mong pag-aaralan ang takbo nito. Bigyang pansin ang iyong staff at mga equipments na tumutulong sa pag-operate ng iyong negosyo. Mag-implement ng standard operating procedure (SOP) para maging maayos ang daloy ng transaction sa araw-araw.

Ikaapat, technical know-how. Hindi ito isang requirement sa pagbukas ng I-café pero ang kaalaman sa pag-operate ng mga computer units at pag-troubleshoot ng mga sira nito ay malaking tulong sa takbo ng inyong negosyo. Hindi ka magiging dependent sa ibang tao sa operation ng iyong mga serbisyo. Napag-aaralan naman ang aspetong ito. Kailangan lang ng sipag at tiyaga upang magamit ito sa iyong I-café business.

Ang pagkakaroon ng sariling Internet Café ay masasabi ng mga Pinoy na “cool” at “high-tech” ngunit minsan ang puhunan dito ay hindi natutumbasan ng perang kinikita sa araw-araw.

Tulad ng ibang negosyo, hindi malayong magsara ito kung hindi napaghandaan at napag-isipang mabuti.






4 comments:

You can say na mabili ang business na ito pero from what I have experienced, it isn't worth the investment lalo na kung wala kang technical know-how and profiteering is your objective.

patok nga this days ang i-cafe businesses , my cousin too tried putting up this kind of business but in just a month minabuti nilang i-close nalang muna. Patok nga pero ang maintenance is also at risk . Maybe lack of knowledge din about this one .

Grabe dati ,nauso yang internet cafe.almost every corner merong internet shop .i'm not sure now kung ganun pa rin ka in demand.malaking tulong talaga kung may technical know how ka para hindi na kailangang magbayad ng technician.

It is good that you have a back up plan while you are starting a cafe to be successful in your business venture.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...