Saturday, 5 November 2011

Additional services that you may offer in your I-cafe Biz

Bukod sa computer rentals, madami pang serbisyo ang maaari mong i-offer sa iyong I-café business upang makadagdag sa benta nito.

Ang bahay ko ang napili kong paglagyan ng aking itinayong Internet Café business. Dahil sa maliit lamang ang aking puwesto, naging limitado ang expansion ko. Umabot lamang sa labing-walo (18) units ang nailagay ko at wala ng paraan para makapagdagdag pa.

Sa ganoong sitwasyon, naging limitado din ang serbisyo na naibigay ko sa aking mga customers. Kaya nag-isip ako ng paraan upang kumita ng extra kahit papaano.

Napag-isipan ko na din magtayo ng isa pang branch ngunit ang naipon kong pera ay hindi sapat na makapag-simula ng isa pang negosyo. Isa pa, mangangailangan ako ng mga taong pwedeng magbantay at magpatakbo ng itatayo kong branch kung magkakaganon.

Ang comments and suggestion box na inilagay ko sa aking shop ang naging daan upang masolusyunan ko ang problema ko sa karagdagang kita. Ang mga suggestion ng aking customer na magkaroon ng printing service at snack store ang unang naging side-service ng aking I-café.



Makaraan ng ilang buwan ay nakapaglagay kami ng mga sumusunod na services – photo printing, photo ID, desktop publishing (encoding, excel table data format, powerpoint presentations, letterheads, certificates, legal docs), electronic loading station at graphic design service (tarpaulin, invitations, at calling cards.) Ang mga serbisyong ito ang lalong nagpalakas ng aking I-café business at nakilala kami sa kalidad ng serbisyo sa aming lugar.

Isang bagay ang aking natutunan sa pagpapatakbo ng ganitong negosyo. Hindi kailangan na makisabay ka sa kalakaran ng iyong mga competitors. Pwede kang gumawa ng sarili mong market na kung saan pwedeng ikaw ang nagsimula at maaaring ikaw lamang ang makapagbibigay sa inyong lugar. Kumbaga “specialize” upang maiwasan ang saturation ng serbisyo sa isang lugar.

Ang I-café market ay isang malawak na karagatan. Kailangan mong alamin kung aling isda ang iyong huhulihin para mabenta sa merkado. O di kaya naman, alamin ang mga customer na nais mong bigyan ng serbisyo upang mapili ang tamang isda para sa kanila.

Diversification ang kailangan upang umangat sa kalakaran ng Internet Café business.

Minsan, nalilimutan natin na ang mga additional service ay makatutulong upang lalong gumanda ang ating serbisyo at lumakas ang benta ng ating napiling negosyo. Kailan lang ang dedication and passion sa  iyong ginagawa.

1 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...